Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko? Sa akdang ito ay malalaman natin kung ano nga ba ang diwa ng pasko. Kaya't heto na at simulan nyo ng basahin.
Sa isang bayan sa masayang araw🌞 ng pasko. May tatlong magkakaibigan na naisipang mangaroling sa mga bahay bahay.Nasa harapan sila ng malaking bahay at kumanta ng pamaskong kanta🎵🎶. Pagktapos nilang kumanta ay sabay sabi nila sa bawat isa na "malamang malaki ang ibigay sa atin kasi malaking bahay at mayaman pa ang nakatira 🏰". Biglang bumukas ang pintuan at laking gulat ng mga ito 😨 ng makita ang napakamaling aso 🐶 ang bumugad sa kanila. Sabay sigaw na "takbo" at dinig pa ang boses ng may-ari ng bahay na sumisigaw ng 😬 "wag na kayong babalik dito kong ayaw nyong ipakagat ko kayo sa aso ko".
Nang makalayo na ang mga ito sa malaking bahay ay huminto sila ng kakatakbo at nagpahinga sa punuan ng mangga🌳. Sa may di kalayuan ay munting bahay bahay na may nakadungaw sa bintana na matandang babae at kumakaway sa tatlong magkakaibigan🙋🙌, balitang balita sa lugar na yon na ang matanda ay mangkukulam👿 kaya walang magkalakas loob na pumunta sa lugar kung saan nandun nakatayo ang bahay ng matanda. Dahil sa itoy kumakaway 👋👋 sa tatlo ah natakot ang dalawa sa magkakaibigan 😣😣 at sabay sabay "uwi na tayo", pero ang isa sa kanila ay hindi nakaramdam ng takot sa nakita. Nilapitan nya ang matandang nakadungaw sa bintana at kinantahan nya ito ng pamaskong kanta🎵🎶. Habang ang isang bata ay kumakanta ang matanda naman ay di mapigilang lumuha😢 dahil sa nuon lang nya naranasan na may kumanta sa kanya ng pamaskong kanta. Ng masilayana ng dalawa ang pangyayari, sila'y nakaramdam ng lungkot😟 at nilapitan ang kaibigan kaya sila'y nagsabayang kumanta para sa matanda.
Sa sobrang saya😆 ng matanda sa magkakaibigan ay ibinigay nya dito ang lahat ng kanyang ipon ng mga nakaraang pasko sa pagbabasakaling may kakanta sa kanya. Hindi ito tinanggap ng magkakaibigan sa halip ay sinabayan nila ang matanda ng "noche buena" 🍲🍗🍝🍜🍞. Labis ang kasiyahan na nadarama 😄😃 ng magkakaibigan at ng matanda. Hindi nagtagal ay umalis narin ang magkakaibigan sabay nagpaalam sa matanda. Naging usap usapan sa kanilang bayan ang persepsyon ng mga tao sa matanda. Nagbago narin ang ugali ng may-ari ng malaking bahay at may mga bata rin na madalas na mangangaroling dito dahil malaki ang binibigay at maamo narin ang aso. May mga tao naring naglalakas loob na pumunta sa matanda at mabuti naman ang mga turing ng mga ito sa matanda, may dala rin itong pasalubong. Masayang naninirahan ang tagabayan at manigong nagdiriwang sa araw ng pasko.
Maraming salamat sa pagbabasaAlam na natin na ang diwa ng pasko ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan, at higit sa lahat pagpapasalamat sa ating mahal na panginoon para sa lahat ng biyaya na pinagkaloob niya sa atin sa buong taon. Wag nating kalimutan magpasalamat sa ating Diyos na siyang dahilan kung bakit tayo’y nandito at nagdiriwang ng kapaskuhan, nawa’y lagi tayong mgpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap sa araw-araw. Hindi lang dapat sa araw ng pasko ang pagmamahalan, datapwat isapuso natin na dapat tayo’y palaging magbigayan at isantabi ang hindi pagkaka-unawaan. Ang pasko ay para din sa mga bata na laging masaya sapagkat sila ay natutuwa sa mga regalo mula sa kanilang mga ninong at ninang.
kahit maikling kwento ngunit may napakalaking aral....
TumugonBurahinIsang napakagandang kuwento na kapupulutan ng aral lalo na sa mga kabataan.Nabigyabg diin dito pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.
TumugonBurahin